PNP Chief Acorda, nagsagawa ng kanyang unang Command Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos pormal na manungkulan kahapon bilang ika-29 na Philippine National Police (PNP) Chief, nagpatawag ng isang Command Conference kaninang umaga si PNP Chief General Benjamin Acorda.

Pasado alas-9 ng umaga sinimulan ang Command Confernce na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, dito ibinahagi ni Gen. Acorda ang kanyang Command Guidance na gagabay sa mga opisyal sa direksyong tatahakin ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Una nang sinabi ni Gen. Acorda na itutuloy niya ang paglilinis sa hanay ng PNP mula sa sangkot sa ilegal na droga at lalo pang palalakasin ang kampanya kontra krimen.

Pagkatapos ng Command Conference ay nakatakdang humarap sa media si Acorda para sa kanyang kauna-unahang press conference. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us