Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga mamamayan na aktibong makipagtulungan sa mga pulis sa Anti-Crime Campaign sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga insidente sa kanilang kapaligiran.
Ayon sa PNP Chief, ganito ang pinairal nilang sistema noong siya ay Regional Director sa Police Regiona Office (PRO) 10, kung saan marami sa kanilang mga accomplishment ay dahil sa impormasyon mula sa media at sa mga mamayan.
Sinabi ng PNP Chief, na nais niyang gawin ang ganitong sistema sa “nationwide scale”.
Kasabay nito, tiniyak din ni Gen. Acorda na tututukan ng pamunuan ng PNP ang mga pangangailangan ng mga Chief of Police para epektibo nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang nasasakupan.
Inatasan ni Gen. Acorda ang Deputy Chief for Administration, na siguraduhing may logistic at administrative Support ang mga pulis “on the ground”.
Una nang inihayag ni Gen. Acorda na magiging agresibo ang PNP sa pagsulong ng kampanya kontra droga, krimen, insurhensya, terorismo at mga scalawag sa hanay ng mga pulis. | ulat ni Leo Sarne