Pinalitan na bilang Director ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) si Police Brigadier General Narciso Domingo.
Si Domingo ay una nang nag-file ng Leave of Absence, matapos na i-sangkot ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamamin Abalos Jr. sa umano’y tangkang cover-up kaugnay ng ₱6.7-bilyong pisong halaga ng shabu na nakuha mula kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.
Pero iginiit ni Domingo na malinis ang kanyang konsensya at lahat ng reports ng PDEG ay may clearance mula kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Sa reassignment order na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Maior General Robert Rodriguez, inilipat si Domingo sa Office of the Chief PNP.
Pumalit naman kay Domingo sa PDEG si Police Brigadier General Faro Antonio Olaguera na galing sa Logicstics Service.
Epektibo ang palitan ng pwesto kahapon, April 12, 2023. | ulat ni Leo Sarne