PNP, tiniyak ang privacy ng impormasyon sa kanilang data system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para masiguro ang seguridad, kaligtasan, at privacy ng impormasyong nasa kanilang data system.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Colonel Red Maranan kaugnay ng umano’y PNP Recruitment Application Portal leak.

Ayon sa opisyal, nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang PNP sa pamamagitan ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at Directorate for Information and Communications Technology (DICTM).

Bagama’t nilinaw ni Maranan na walang hacking incident, intrusion, o breach sa PNP database.

Ang imbestigasyon aniya ay nakatutok sa mga posibleng violations ng Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012, at mga posibleng lapses o paglabag sa protocol sa pag-iingat ng impormasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us