PNP, wala pang kumpirmasyong patay na ang mga Tiamzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa makumpirma ng Philippine National Police (PNP) kung namatay ang mag-asawang lider-komunista na si Benito at Wilma Tiamzon sa bankang sumabog sa engkwentrong naganap noong Agosto 22 sa karagatan ng Catbalogan, Samar.

Sa isang ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na hinihintay pa niya ang ulat ng Crime Laboratory kaugnay ng DNA testing sa mga narekober na labi sa encounter site.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief, matapos na maglabas ng statement ang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Marco Valbuena na umano’y hinuli at pinatay ng militar ang dalawang mataas na lider komunista, noong Agosto 21, 2022.

Ayon kay Valbuena, base sa kanilang imbestigasyon, pinahirapan at pinatay ng militar ang mag-asawa at inilagay ang mga bangkay sa isang bangka na pinasabog sa karagatan ng Catbalogan, kung saan pinalabas na nangyari ito sa engkwentro noong Agosto 22, 2022.

Hindi rin kinumpirma ng AFP noong panahong iyon kung kabilang ang mga Tiamzon na nasawi sa engkwentro, at ipinaubaya sa PNP forensics experts ang pagsasagawa ng DNA testing sa mga labi na narekober sa pinangyarihan ng insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us