Binuksan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development ang bagong satellite office nito sa Victory Trade Plaza sa Monumento, Caloocan City.
Ito ay commitment ng DSWD upang mailapit ang iba’t ibang serbisyo at interbensyon sa mga Pilipino sa mahihirap na kalagayan sa northern part ng Metro Manila.
Ang CAMANAVA Satellite Office ay magpapadali sa pagproseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng mga taga-Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela area.
Sabay ding binuksan ang Baclaran Satellite Office sa Victory Food Market para naman sa mga taga-Pasay, Parañaque, Muntinlupa, at Las Piñas.
May plano pang maglagay din ng Satellite Office ang DSWD sa eastern part ng Metro Manila partikular sa Pasig City.
Bukod dito, nakalinya na ring buksan ang isa pang Satellite Office sa Starmall sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City sa Bulacan ngayong Mayo 3.
Para naman ito sa mga residente ng mga malalayong lugar ng Norzagaray, Sta. Maria, Angat, at San Jose Del Monte City. | ulat ni Rey Ferrer
: DSWD