‘Scamming hubs’ sa Metro Manila, inaaksyunan na ng Bureau of Immigration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumikilos na ang Bureau of Immigration o BI ukol sa nasiwalat na “scamming hubs” sa mga residential area sa Kalakhang Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na bagama’t ang isyu ay “local law enforcement agency matter” — ito ay maituturing na isang krimen na ginawa sa bansa, at mayroong usaping immigration dahil ang isinasangkot ay mga dayuhan.

Tiniyak ni Tansingco na makikipag-ugnayan ang BI sa opisina ni Sen. Risa Hontiveros para matunton ang scam hubs.

Sa ngayon aniya ay may mga tauhan na ang BI sa “ground” na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon.

Dagdag ni Tansingco, sa susunod na pulong ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT ay isusulong niya ang mas “harmonized at unified approach” sa paghawak ng mga kaso ng human trafficking.

Kailangan aniya na ang bawat ahensya ay may partikular at aktibong papel sa mga trafficking at illegall recruitment cases, at dapat ding magpatupad ng “interoperability” sa mga hakbang. | ullat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us