Security officer na namemeke ng lisensya, arestado ng PNP-SOSIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ngayon ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang isang security officer matapos maaresto dahil sa pamemeke ng lisensya.

Kinilala ni PNP CSG Director, Police Brigadier General Benjamin Silo Jr. ang suspek na si June Reyes Geminiano.

Nahuli sa akto si Geminiano na nag-deliver ng pekeng License to Exercise Security Profession (LESP) sa kaniyang aplikante sa Brgy. Bagong Lipunan sa Quezon City.

Ang License to Exercise Security Profession ay ang permit na ibinibigay sa isang security o training officer.

Nakuha mula kay Geminiano ang isang security officer LESP at isang security guard LESP.

Batay sa inihaing reklamo, si Geminiano ang itinuturong nagpoproseso ng LESP na nalamang peke base sa record ng Security Licensing Division. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us