Inaasahang tatagal ng hanggang dalawang buwan ang gagawing siphoning o paghigop sa mga natitirang langis na nasa loob ng mga tangke ng lumubog na Motor Tanker o M/T Princess Empress, sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.
Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Undercsecretary Ariel Nepomuceno sa isinagawang pulong balitaan ukol sa pinakahuling update ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hinggil dito.
Ayon kay Nepomuceno, may kinontrata ang operator ng barko na isang dayuhang kumpaniya para magsasagawa ng paghigop sa mga natitirang langis.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng technical evaluation ang mga eksperto hinggil dito. | ulat ni Jaymark Dagala