Paghahanap sa mga nawawalang sabungero, magpapatuloy sa bagong liderato ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa ilalim ng liderato ng bagong pinuno nitong si Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Redrico Maranan, hindi tumitigil sa pagsasagawa ng tracking ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) upang… Continue reading Paghahanap sa mga nawawalang sabungero, magpapatuloy sa bagong liderato ng PNP

Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Libu-libong mga manggagawa na ang nakinabang sa libreng sakay na alok ng MRT-3 ngayong Labor Day. Sa ulat ng MRT-3 ay umabot na sa 9,486 na mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor ang nakalibre ng pamasahe mula 7:00 a.m. hanggang kaninang 9:00 a.m. Magpapatuloy naman ang libreng sakay sa tren mamayang 5:00 p.m.… Continue reading Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Pagsusulong ng Pilipinas ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region, suportado ng Kamara

Nakasuporta ang Kamara sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang kapayapaan sa Indo-Pacific region. Ito ang siniguro ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng pagdating ni Pangulong Marcos sa US para sa kaniyang 5-day official visit. Sa hiwalay na panayam ng media kay Pangulong Marcos Jr., sinabi nito na bahagi ng… Continue reading Pagsusulong ng Pilipinas ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region, suportado ng Kamara

Pangulong Marcos Jr., binigyang-diin na hindi magiging staging post ang Pilipinas para sa anomang military action

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang kapayapaan, at hindi hahayaan ng pamahalaan na magamit ang bansa bilang stagIng post para sa anomang military action, sa gitna ng tensyon sa Indo-Pacific region. Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng pinakamalaking Baliktan exercises na idinaos sa Pilipinas at sa… Continue reading Pangulong Marcos Jr., binigyang-diin na hindi magiging staging post ang Pilipinas para sa anomang military action

Mga proyektong pabahay para sa OFWs, inaprubahan ng DHSUD bago ang Labor Day

Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang OFW Party-list para sa posibleng mga proyektong pabahay para sa mga modernong bayani ng bansa o OFWs. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at OFW Party-list Representative Marissa Magsino na magbibigay daan para sa kolaborasyon sa ilalim… Continue reading Mga proyektong pabahay para sa OFWs, inaprubahan ng DHSUD bago ang Labor Day

Mambabatas, ipinanawagan ang nararapat na living wage, pagpapatigil sa endo ngayong Labor Day

Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng paggawa, pinanawagan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bilisan na ang mga pag-aaral ng mga panukalang dagdag sweldo sa mga manggagawang pilipino. Ayon kay Villanueva, mahalagang mapag-aralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang magiging tamang pamantayan para matukoy… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang nararapat na living wage, pagpapatigil sa endo ngayong Labor Day

Pagpapahalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, mensahe ni VP Sara Duterte ngayong Labor Day

Nagbigay-pugay si Vice President Sara Duterte sa mga manggagawang Pilipino ngayong Labor Day. Sa kanyang mensahe, kinilala ni VP Sara ang sakripisyo ng masisipag, mahusay at masigasig na manggagawa na nagtatrabaho para sa pamilya at sa bansa. Sinusuportahan aniya ng administrasyong Marcos ang kanilang karapatan bilang manggagawa, at isinusulong ang mas mabuting labor conditions sa… Continue reading Pagpapahalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, mensahe ni VP Sara Duterte ngayong Labor Day

House Labor Panel, humingi ng pag-unawa sa mga manggagawa; pagtalakay sa wage hike bills, hindi maaring madaliiin

Humingi ng pang-unawa at kaunti pang pasensya si House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles hinggil sa pagtalakay sa mga panukalang magtataas sa sahod ng mga manggagawa. Ayon sa kongresista, batid nila ang panawagan ng mga manggagawa para maitaas ang minimum wage rate lalo at nananatiling mataas ang… Continue reading House Labor Panel, humingi ng pag-unawa sa mga manggagawa; pagtalakay sa wage hike bills, hindi maaring madaliiin

Kumportableng sitwasyon sa pag-aapply ng trabaho at seguridad, tiniiyak ng PESO Parañaque City

Tiniyak ng Peso Parañaque City na kumportable at ligtas ang lahat ng kalahok sa Mega Job Fair sa naturang lungsod. Ang dalawang job fair site ay nasa loob ng mall tulad ng SM Sucat at BF SM Parañaque. Ayon kay Rebecca Estrella ng Employment Division.PESO Parañaque, sa kabila ng.mainit na panahon ay hindi ramdam ang… Continue reading Kumportableng sitwasyon sa pag-aapply ng trabaho at seguridad, tiniiyak ng PESO Parañaque City

2 job fairs, inilunsad sa Marikina City ngayong Labor Day

Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng dalawang magkasabay na jobs fair sa lungsod ngayong Araw ng Paggawa. Isa sa mga venue ay ang Marikina City Hall Quadrangle kung saan iba’t ibang industriya ang nag-aalok ng trabaho. Kabilang dito ang mga hotel, automobile, business process outsourcing, supermarket, fast food chain, eskuwelahan at mga tanggapan… Continue reading 2 job fairs, inilunsad sa Marikina City ngayong Labor Day