PNP, nagpasalamat sa mga labor group sa mapayapang pagdiriwang ng Labor Day

Nagpasalamat ang PNP sa mga organizer at lider ng mga labor group sa kanilang kooperasyon na nagresulta sa mapayapang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa kahapon. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan na ito ay patunay na maaring magsagawa ng pampublikong pagpapahayag ng saloobin sa maayos at mapayapang paraan… Continue reading PNP, nagpasalamat sa mga labor group sa mapayapang pagdiriwang ng Labor Day

MPD, tiniyak na hindi makikkialam sa pag-iimbestiga sa pulis na nag-viral dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City

Iginiit ng Manila Police District na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain sa kanilang hanay. Ito ay matapos mag-viral sa social media ang pulis na si Ramon Guina na nakadestino sa MPD dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City nitong April 26. Ayon kay MPD District Director PBGen. Andre Dizon, hindi sila makikialam sa… Continue reading MPD, tiniyak na hindi makikkialam sa pag-iimbestiga sa pulis na nag-viral dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City

Mahigit 600 PDLs sa QC Jail, nakalaya na sa ilalim ng decongestion program

Bumababa na ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty na nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay Jail Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, bunga ito ng pinalakas na decongestion program sa jail facility. Isa sa mga basehan ng pagpapalaya ang pagsunod sa Supreme Court Office of the Court Administrator’s (OCA) Circular… Continue reading Mahigit 600 PDLs sa QC Jail, nakalaya na sa ilalim ng decongestion program

Ilang lugar sa QC at Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi

Malaking bahagi ng lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng malinis na tubig simula mamayang gabi, Mayo 2 hanggang 8. Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., may isasagawa umano silang network maintenance sa mga apektadong lugar. Kabilang sa maapektuhang barangay ay ang Apolonio Samson, Mariblo, Sienna, Sauyo, San Antonio,Bungad, Talipapa, Ugong,Talipapa, Sauyo, Sto. Niño,… Continue reading Ilang lugar sa QC at Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi

PBBM, unti-unting tinutupad ang pangakong maibaba ang presyo ng kuryente — Speaker Romualdez

Kapuri-puri ani House Speaker Martin Romualdez ang pagsusumikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuparin ang campaign promise niya na maibaba ng presyo ng kuryente sa bansa. Bahagi aniya nito ang naging pulong ni PBBM kasama ang top nuclear energy firm sa US na NuScale Power Corporation. Ayon kay Romualdez, una nang nakaharap ng… Continue reading PBBM, unti-unting tinutupad ang pangakong maibaba ang presyo ng kuryente — Speaker Romualdez

Pagbabalik sa lumang school calendar upang maiwas ang mga estudyante at guro sa “heat stress,” pinamamadali

Umapela si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan sa pamahalaan na madaliin ang pagbabalik sa pre-pandemic school calendar. Ayon sa mambabatas, suportado nito na magbalik sa dating school calendar bilang proteksyon sa mga estudyante at guro mula sa napakatinding init na nararanasan ngayon sa bansa. Aniya, marami sa mga mag-aaral lalo na… Continue reading Pagbabalik sa lumang school calendar upang maiwas ang mga estudyante at guro sa “heat stress,” pinamamadali

Mga biktima ng lindol sa Davao de Oro, binigyan ng ayuda ng DSWD

Aabot sa higit Php21.7 million na financial aid ang ipinamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng sunod-sunod na lindol sa Davao De Oro noong Marso 2023. Ipinagkaloob ng DSWD Region 11 ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer. Kabilang sa mga benepisyaryo nito ang mga residente ng… Continue reading Mga biktima ng lindol sa Davao de Oro, binigyan ng ayuda ng DSWD

Pagkalat ng party drugs ngayong summer vacation, tututukan ng PNP

Tututukan ng PNP ang pagkalat ng party drugs tulad ng ecstacy ngayong summer vacation sa mga popular na bakasyunan, concert at mga bar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, kasama ito sa mga aktibong mino-monitor ng PNP sa kanilang Oplan Summer Vacation (SUMVAC). Paliwanag ni Maranan, batay sa kanilang datos… Continue reading Pagkalat ng party drugs ngayong summer vacation, tututukan ng PNP

Pagtitiyak ng US na tutulungan ang Pilipinas sa resupply mission sa West Philippine Sea, bahagi ng Mutual Defense Treaty — Sen. Tolentino

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na sakop ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagtulong ng US sa Philippine Navy na maghatid ng supplies sa West Philippine Sea. Ito ang reaksyon ni Tolentino sa naging pahayag ni US Pacific Fleet Commander Admiral Samuel Paparo, na handang asistehan ng US ang Philippine… Continue reading Pagtitiyak ng US na tutulungan ang Pilipinas sa resupply mission sa West Philippine Sea, bahagi ng Mutual Defense Treaty — Sen. Tolentino

Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Umabot sa mahigit 200 aplikante ang pumila sa job fair at one-stop shop ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, ngayong araw. Nasa 33 kumpanya ang lumahok sa job fair para sa first-time jobseekers kabilang ang Philippine Army at Bureau of Jail Management and Penology. Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Jelene… Continue reading Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair