Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kasado na bukas

Nag-anunsyo na ang mga kumpaniya ng langis ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo epektibo bukas, Mayo 9. ₱2.20 ang bawas presyo sa kada litro ng Gasolina, ₱2.70 naman ang tapyas sa kada litro ng Diesel habang ₱2.55 naman sa kada litro ng Kerosene ang ipatutupad ng mga kumpaniya ng langis. Unang magpapatupad ng… Continue reading Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kasado na bukas

3 lanes sa C5 Road sa Pasig City, ipasasara dahil sa sewage project ng Manila Water

Naglabas ng abiso ang Manila Water na pansamantalang isasara sa mga motorista ang tatlong southbound lanes ng C5 Road kanto ng Lanuza Avenue sa Pasig City. Ito ay para bigyang-daan ang North Pasig Package 1 Sewer Network Project na magtatagal mula May 9 hanggang August 31. Hindi muna makakadaan ang mga motorista mula alas-10 ng… Continue reading 3 lanes sa C5 Road sa Pasig City, ipasasara dahil sa sewage project ng Manila Water

LTO, maglalabas ng digital driver’s license

Nakatakdang maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang digital o electronic na bersyon ng driver’s license. Ayon kay LTO Chief Asec. Jay Art Tugade, ang ilulunsad na digital driver’s license ay magsisilbing isa pang alternatibo habang may kakulangan pa ng pisikal na license card. Pagtalima… Continue reading LTO, maglalabas ng digital driver’s license

Makati LGU, proud sa isang Pilipina na nakasungkit ng medalya sa SEA Games 2023

Nagbigay ng pagbati ang Makati LGU sa isang Pilipina na nakasunggit ng medalya sa 2023 SEA Games na ginaganap sa Cambodia. Si Kaizen dela Serna ay Silver Medalist para sa Women’s 100-Meter Obstacle Course Race. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, proud sila kay Serna na makakapag-uwi ng karangalan sa ating bansa. Ang nabanggit… Continue reading Makati LGU, proud sa isang Pilipina na nakasungkit ng medalya sa SEA Games 2023

DepEd, pinalawig ang public review ng revised draft ng K to 10 curriculum

Pinalawig ng Department of Education ang public review para sa draft ng revised Kindergarten to Grade 10 curriculum. Ayon sa DepEd, alinsunod sa commitment nito sa ilalim ng MATATAG Agenda ay extended ang review hanggang sa May 13, 2023. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat na panahon ang stakeholders na magbahagi ng feedback sa… Continue reading DepEd, pinalawig ang public review ng revised draft ng K to 10 curriculum

World Teachers’ Day Incentive Benefit, pinatataasang ng isang kongresista

Itinutulak ni Makati City Rep. Luis Campos Jr na taasan ang ibinibigay na World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) para sa mga public school teacher. Salig sa House Bill 7840 ng mambabatas mula sa kasalukuyang ₱1,000 ay gagawin itong ₱3,000. “Our bill merely seeks to augment the value of the WTDIB and make permanent via… Continue reading World Teachers’ Day Incentive Benefit, pinatataasang ng isang kongresista

Pabahay para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Bohol, itinurn-over ng PRC

Nanguna ang Philippine Red Cross sa distribusyon ng certificates of occupancy sa mga benepisiyaryo ng Full Shelter Assistance project na sinalanta ng Super Typhoon Odette sa Bohol. Ang konstruksyon ng proyekto ay nagkakahalaga ng 25.9 million pesos na sinimulan noong Oktubre ng nakaraang taon. Ayon sa PRC, sinuportahan ito ng ng Embassy of the Republic… Continue reading Pabahay para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Bohol, itinurn-over ng PRC

DILG, magkakasa ng performance audit sa mga local Anti-Drug Abuse Council

Sisimulan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang taunang performance audit sa lahat ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa buong bansa upang masiguro ang aktibong pagkilos ng mga ito sa kampanya kontra iligal na droga. Ayon sa DILG, sakop ng isasagawang audit ang lahat ng 81 provincial ADACs, 146 city ADACs,… Continue reading DILG, magkakasa ng performance audit sa mga local Anti-Drug Abuse Council

Turismo sa bansa, patuloy ang paglago — DOT

Patuloy na lumalago ang turismo sa Pilipinas. Ito ang magandang balita mula Sa Department of Tourism (DOT) kung saan nahigitan na ang Tourism target noong 2022. Ayon sa DOT buhay na buhay ang turismo sa Pilipinas. Aabot na sa 1.9 milyon ang bumisita sa bansa. Yan ay mas mataas kumpara noong nakalipas na taon. Samantala,… Continue reading Turismo sa bansa, patuloy ang paglago — DOT

Mga pamilyang Pilipino na nagsabing mahirap sila, nanatili sa 51% — SWS Survey

Nasa kalahati pa rin ng mga pamilyang Pilipino ang ikinukunsidera ang sarili na mahirap batay yan sa unang quarter survey ng Social Weather Station. Sa nationwide survey na isinagawa mula March 26-29, lumalabas na 51% pa rin ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila. Nasa 30% naman ng respondents ang sinabing pasok sila sa… Continue reading Mga pamilyang Pilipino na nagsabing mahirap sila, nanatili sa 51% — SWS Survey