100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pinangangambahang pananalasa ng super bagyo, na mayroong international name na “Mawar” o Betty pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kasunod nito, ipinag-utos ni NCRPO Director, Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagsasagawa ng inspeksyon at imbentaryo sa mga rescue vehicle at life-saving equipment.

Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, magtatalaga ang NCRPO ng 710 pulis na may kasanayan hinggil sa Search and Rescue Operations para tumugon anumang oras kailanganin.

Nakaantabay na rin aniya ang may 100 pulis mula sa regional headquarters, na magsisilbing Reactionary Standby Support Force na handang rumesponde sa panahon ng emergency.

Bagaman una nang sinabi ng PAGASA na walang magiging direktang epekto ang bagyong Betty sa bansa, subalit inaasahan pa rin ng NCRPO ang malakas na ulang dala ng bagyo, na siyang posibleng magdulot ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: NCRPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us