Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti- Cybercrime Group (ACG) ang limang indibidwal, kabilang ang dalawang Israeli at isang Amerikano na sangkot umano sa crypto currency scam, sa operasyon sa Capitolyo, Pasig City kagabi.
Kinilala ni ACG Spokesperson Capt. Michelle Sabino ang mga arestadong may-ari ng ni-raid na gusali na sina: Shay Semo a.k.a Shai at Chen Keren alyas Novick/Chen Benjamin, kapwa Israeli; at Amerikanong si Aron Dermer alyas Aaron/Shoes.
Kasama din sa mga inaresto ang dalawang Pilipinang computer agent/ chatter na sina: Marie Mizukami at Krizzia Garcia.
Ang mga suspek ay huli sa aktong nagsasagawa ng online fraud habang ka-chat ang mga biktima sa computer.
Narekober naman ng mga pulis sa pagpapatupad ng search warrant ang 19 na laptop computer; 14 computer system unit; at samu’t saring electronic equipment.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng “Computer Related Fraud” sa ilalim ng R.A. No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012”. | ulat ni Leo Sarne
:ACG