Mahigit 1.3 milyong piso ang naipamahaging tulong pangkabuhayan ng Department of Social Welfare and Development -National Capital Region sa mga pamilyang nasunugan sa Pasay City.
Ayon sa DSWD, may kabuuang 134 pamilya mula sa Barangay 144 ang nakinabang sa benepisyo.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng Livelihood Settlement Grant na nagkakahalaga ng 8,000 pesos hanggang 15,000 pesos.
Magagamit nila ito upang maibangon muli ang kanilang mga negosyo na lubos na naapektuhan ng sunog.
Ang Livelihood Settlement Grant ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa mga sakuna tulad ng sunog, baha, landslide at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer
: DSWD NCR