“Foul play” sa pagkamatay ng dating chief of police ng San Pedro, Laguna, isinantabi ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi kinokonsidera ng Laguna PNP ang anggulo ng “foul play” sa pagkamatay ni dating San Pedro, Laguna Chief of Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan, na natagpuang patay kahapon sa loob ng kanyang condo sa Biñan.

Ayon kay Police Col. Glenn Silvio, Provincial Director ng Laguna Police, ito’y dahil sa mag-isa lang naman sa kwarto si Aclan nang marinig ang putok ng baril na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Hindi pa aniya malinaw sa ngayon kung sadyang pinaputok ng opisyal ang baril o “accidental firing” ang nangyari.

Base sa inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng personal security ng opisyal na si Police Cpl. Japer Aaron Mercado, ang putok ng baril mula sa kuwarto ng kanyang amo bandang 8:30 ng umaga kahapon.

Agad umanong rumesponde si PCpl. Mercado, at pagdating niya sa kuwarto ni Aclan ay nakita niyang nakahandusay na ang dating hepe. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us