Suportado ng mga local airline companies sa bansa ang kampanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa National Tourism Development Plan ng bansa.
Ayon sa mga local airline conpanies, suportado nila ang layuning magkaroon ng interconnectivity ang bawat tourism sites sa bansa tulad ng pagdaragdag ng mga domestic flights sa mga ipinagmamalaking tourism attractions sa Pilipinas gaya ng Laoag at Tawi Tawi na bibihira ang flights sa naturang mga destinasyon.
Ayon kay Philippine Airlines Epokesperson Cielo Villaluna, bilang pagtalima ng PAL sa NTDP ay pinag-aaralan na nila ang pagdaragdag ng mga flights sa mga sikat sa tourist sites sa bansa tulad ng biyahe mula Manila to Laoag.
Ayon naman sa Cebu Pacific ay nais din nilang pag-aralan ang paglalayag ng flights sa Tawi Tawi upang makita ng ilang mga local at foreign tourist ang isa sa pinakamagandang tourist destination sa Mindanao. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio