Pagsunod sa International Humanitarian Law, pinaalala ng PNP Chief sa mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na palaging sumunod sa mga prinsipyo ng International Humanitarian Law (IHL).

Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng PNP Special Action Force (SAF) sa Camp Bagong Diwa, kahapon.

Sinabi ni Gen. Acorda, na bilang mga law enforcement officers, tungkulin ng mga pulis na galangin at pangalagaan ang karapatang pantao, sa gitna ng pinakamahirap o mapanganib na sitwasyon.

Binigyang diin ni Gen. Acorda na dapat siguruhin na protektado ang karapatan ng mga sibilyan sa lahat ng pagkakataon, at ang lahat ng aksyon ng mga pulis ay naayon sa mga prinsipyo ng “necessity, proportionality and distinction”.

Bilin naman ng PNP Chief sa SAF, na itinuturing na “elite Force” ng PNP, na tiyaking walang mapapahamak na mga sibilyan sa kanilang mga aksyon.

Dagdag ni Gen. Acorda, ikinararangal niya na nagsisikap ang SAF na magkaloob ng “Serbisyong Nagkakaisa” sa pamamagitan ng pagiging “transparent, accountable, and responsive” sa komunidad sa kanilang mga operasyon. | ulat ni Leo Sarne

📸:PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us