Tutoring program, inilunsad ng QC LGU para sa mga mag-aaral ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang QC Gabay Aral, isang tutoring program na pinagtitibay ang foundational skills ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagbilang.

Katuwang ang Hiranand Group, kasalukuyang sumasasailalim sa tutoring sessions ang mga piling mag-aaral ng Commonwealth Elementary School.

Ito ay upang matugunan ang kanilang pangangailangan na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa.

Isa ang Chalkboard, Inc. sa kaagapay ng LGU sa pagpapatupad ng naturang programa.

Nagpapasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa Hiranand Group at iba pang mga organisasyon sa kanilang pagtitiwala at pakikilahok sa pagbibigay prayoridad sa learning recovery ng mga kabataan. | ulat ni Rey Ferrer

📷: QC LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us