Alert Level 3, itinaas na sa Bulkang Mayon; evacuation sa 6km danger zone, inirekomenda na

Inirekomenda na ngayon ng PHIVOLCS ang evacuation o pagpapalikas sa mga residente sa loob ng 6km radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa Bulkang Mayon. Ito matapos na itaas na sa Alert Level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption) ang estado ng Bulkan dahil sa patuloy na abnormal na aktibidad nito. Ayon sa PHIVOLCS, tuloy-tuloy… Continue reading Alert Level 3, itinaas na sa Bulkang Mayon; evacuation sa 6km danger zone, inirekomenda na

Programa para sa mga katutubo, ilulunsad ng DSWD

Nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kanilang mas pinalakas na “reach out program” kung saan sinasagip ang mga katutubo, at pinauuwi sa kanilang mga komunidad. Sa Kapihan sa Manila Bay media forum — sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na hindi lamang mga Badjao ang pinag-uusapan dito, kundi kasama… Continue reading Programa para sa mga katutubo, ilulunsad ng DSWD

Pagsuot ng facemask, ipinayo ng NDRRMC sa mga residenteng malapit sa Taal

Pinayuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residenteng malapit sa bulkang Taal na umiwas muna sa mga outdoor activities at magsuot ng face mask. Ayon kay Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, layon nitong maprotektahan ang mga residente laban sa volcanic smog o vog. Ang volcanic… Continue reading Pagsuot ng facemask, ipinayo ng NDRRMC sa mga residenteng malapit sa Taal

COVID positivity rate sa NCR, bumaba sa 14.6% ayon sa OCTA

Bumaba muli ang 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon yan sa OCTA Research Group. Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of June 6 ay naitala sa 14.6% ang positivity rate sa NCR, mas mababa mula sa… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, bumaba sa 14.6% ayon sa OCTA

Upgraded forecast ng World Bank para sa Pilipinas, welcome sa House leadership

Ang ugnayan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura ang itinuturong dahilan ng House leadership kung bakit patuloy na lumalago at tumatatag ang ekonomiya ng bansa. Kasunod ito ng pagtaya ng World Bank na lalago ng 6% ngayong taon ang gross domestic product o GDP ng Pilipinas. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ipinapakita lamang nito… Continue reading Upgraded forecast ng World Bank para sa Pilipinas, welcome sa House leadership

Bivalent Vaccine, sinimulan nang ipamahagi ng DOH

Sinimulan na ng Department of Health ang pagdadala ng 300,000 dosage ng Bivalent Vaccine sa mga local government unit. Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, ngayong araw ay matatanggap na ng ilang LGU at Health Care Facilities ang naturang mga bakuna. Pero aminado ang bagong Kalihim na kulang ang 300,000 dosage ng naturang brand ng… Continue reading Bivalent Vaccine, sinimulan nang ipamahagi ng DOH

Pagpapabuti sa efficiency ng social protection sa Pilipinas, mahalaga para protektahan ang mga mahihirap mula sa economic shocks — World Bank

Nananatiling mahalaga ang pagpapabuti ng efficiency ng social protection sa Pilipinas upang protektahan ang mga mahihirap at mga bulnerable laban sa economic shocks habang humaharap ang bansa sa global uncertainties at domestic risks, batay sa Philippines Economic Update (PEU) na inilabas ng World Bank. Dahil sa global trends, ang malakas na domestic demand sa Pilipinas… Continue reading Pagpapabuti sa efficiency ng social protection sa Pilipinas, mahalaga para protektahan ang mga mahihirap mula sa economic shocks — World Bank

DENR, isang malaking mall, nagsagawa ng Coastal Clean-up sa Pasay City

Nagsagawa ng coastal clean-up ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Pasay City Government, at ang SM Prime Holdings sa SM By The Bay sa Pasay City bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Oceans Day ngayong araw. Sa kanyang talumpati, sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng… Continue reading DENR, isang malaking mall, nagsagawa ng Coastal Clean-up sa Pasay City

Mga online shopping platform, pinagpapaliwanag ng DTI dahil sa mapanlinlang na pagbebenta ng mga produkto

Ipinag-utos ni Department of Trade and Industry o DTI Sec. Alfredo Pascual ang 2 malalaking e-commerce platform o online shopping app na Shopee at Lazada na magpaliwanag. Ito’y ayon kay Pascual ay matapos makarating sa kaniya ang kaliwa’t kanang reklamo hinggil sa hindi magandang serbisyo ng mga naturang online shopping application. Sinabi ng Kalihim, kabilang… Continue reading Mga online shopping platform, pinagpapaliwanag ng DTI dahil sa mapanlinlang na pagbebenta ng mga produkto

DMW, pinasalamatan ang mga OFW sa kanilang sakripisyo sa pagtulong sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng Pilipinas

Pinasalamatan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang kabayanihan at sakripisyo na makatulong sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng bansa. Sa selebrasyon ng 28th Migrant Workers Week, ipinaabot ni DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga migranteng mangagawang Pilipino… Continue reading DMW, pinasalamatan ang mga OFW sa kanilang sakripisyo sa pagtulong sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng Pilipinas