DOH NCR, nagsagawa ng aksyon vs. Dengue

Naglunsad ngayong araw ang Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) ng paglilinis kontra Dengue. Bago ang programa sa San Andres Gym sa Malate, Maynila, nagsagawa na ng paglilinis sa iba’t ibang lugar na sakop ng Brgy. 702, 704 hanggang 706 sa lungsod. Sa datos ng World Health Organization (WHO) Western Pacific Region, nasa 39,947… Continue reading DOH NCR, nagsagawa ng aksyon vs. Dengue

DOH sa mga residente ng Albay: Magsuot ng facemask

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay na magsuot ng facemask. Ito ay matapos na may naitalang 35 respiratory problems ang DOH mula sa mga evacuation center sa Albay. Sa monitoring ng DOH, ang iba sa mga bakwit ay nakaranas ng ubo, sipon at… Continue reading DOH sa mga residente ng Albay: Magsuot ng facemask

Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng libreng libing sa mga Las Piñeros na namatayan ng kanilang mahal sa buhay. Ito ang inihayag ni Las Piñas City LGU Mayor Imelda Aguilar makaraang magtungo sa kaniyang tanggapan ang ilang naulilang pamilya para humiling ng tulong. Walang pag-aatubiling pinirmahan ni Mayor… Continue reading Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Scholarship programs para sa mga guro, ibinahagi kay VP Sara Duterte sa Singapore

Binisita ni Vice President Sara Duterte ang Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Learning Centre sa Singapore. Dito ay ibinahagi ng RELC sa pangalawang pangulo ang mga pangunahing programa nito kabilang ang pagbibigay ng scholarship programs sa mga guro mula sa bansang kasapi ng organisasyon at pagdaraos ng international conferences. Ang RELC ay isang… Continue reading Scholarship programs para sa mga guro, ibinahagi kay VP Sara Duterte sa Singapore

People-to-people ties at defense links, pinagtibay ng Pilipinas at Singapore sa pagbisita ni VP Sara Duterte

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Singapore ang malalim na pagkakaibigan at kooperasyon sa iba’t ibang sektor. Sa courtesy call ni Vice President Sara Duterte kay Singapore President Halimah Yacob, napag-usapan ang bilateral relations ng dalawang bansa na naka-angkla sa people-to-people ties, health care at manpower. Ibinahagi rin ni VP Sara ang mga prayoridad sa ilalim… Continue reading People-to-people ties at defense links, pinagtibay ng Pilipinas at Singapore sa pagbisita ni VP Sara Duterte

Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na magsisimula na sa June 27 ang pagsasanay ng mga traffic enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system. Ayon kay Artes, dumating na ang unang batch ng handheld device na na-customize sa pitong local government unit (LGU) kabilang ang San Juan, Caloocan,… Continue reading Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Mga paliparang pinatatakbo ng CAAP sa Southern Luzon, nananatiling ligtas matapos tumama ang lindol kaninang umaga

Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling ligtas at operational ang mga paliparan sa ilalim ng kanilang pamamahala sa ilang bahagi ng katimugang Luzon. Ito ayon sa CAAP ay kasunod ng pagtama ng Magnitude 6.2 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang umaga, kung saan naramdaman ang pagyanig hanggang sa Metro Manila… Continue reading Mga paliparang pinatatakbo ng CAAP sa Southern Luzon, nananatiling ligtas matapos tumama ang lindol kaninang umaga

Ugnayan ng Pilipinas at UAE, patatatagin; PBBM nais dumalo sa 2023 Climate Conference sa Dubai

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marocs Jr. na makadalo sa 2023 UN Climate Change Summit, na gaganapin sa Expo City sa Dubai, lalo’t isa ang usapin ng pagbabago ng panahon sa mga hamong kinahaharap ng Pilipinas. Pahayag ito ng pangulo, makaraang ipaaabot ng UAE ambassador ang imbitasyon sa pangulo sa courtesy call nito sa Malacañang,… Continue reading Ugnayan ng Pilipinas at UAE, patatatagin; PBBM nais dumalo sa 2023 Climate Conference sa Dubai

Operasyon ng NAIA, balik normal na rin matapos ang pagyanig kaninang umaga

Agad nakabalik sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maramdaman ang malakas na pagyanig kaninang umaga. Ito ang ipinabatid ng Manila International Airport Authority (MIAA) kasunod ng pagtama ng Magnitude 6.2 na lindol sa bayan ng Calatagan, Lalawigan ng Batangas. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, matapos ang pagyanig ay agad… Continue reading Operasyon ng NAIA, balik normal na rin matapos ang pagyanig kaninang umaga

Ahensya na tututok sa Karapatan at kapakanan ng mga bata, pinabubuo

Inihain sa Kamara ang House Bill 8163 o Philippine Commission on Children Act. Ayon sa may akda nito na si House Assistant Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita Nograles, nilalayon nitong itatag ang Philippine Commission on Children (PCCh). Magsisilbi itong special agency na tututok sa pagprotekta ng karapatan at kapakanan ng mga bata. Sakop… Continue reading Ahensya na tututok sa Karapatan at kapakanan ng mga bata, pinabubuo