Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng Calatagan sa Batangas ngayong umaga lang. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 10:19 AM naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 4km timog kanluran ng Calatagan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 103 kilometro sa lupa. Naramdaman… Continue reading Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

MWSS, muling humirit sa NWRB na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam hanggang June 30

Muling umapela ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila water hanggang sa katapusan ng Hunyo. Sa naunang desisyon ng NWRB, hanggang ngayong June 15 na lang mananatili ang 52cms water allocation… Continue reading MWSS, muling humirit sa NWRB na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam hanggang June 30

Halos ₱40-M halaga ng ayuda, naihatid na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon — DSWD

Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon. Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 14 ay umakyat na sa halos ₱40-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi na sa mga apektado… Continue reading Halos ₱40-M halaga ng ayuda, naihatid na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon — DSWD

Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa ng isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Senador Rodolfo Biazon. Sa nasabing resolusyon, lubos na nagpapasalamat ang lungsod sa dating senador sa kanyang buhay ng pagiging makabayan, pagkakaroon ng dedikasyon sa tungkulin, at sa kanyang hindi matatawarang paglilingkod hindi lamang sa Muntinlupa, kundi pati… Continue reading Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Tourism Sec. Frasco, dadalo sa Commission Meetings ng UN World Tourism Organization sa Cambodia

Dadalo ngayong araw si Tourism Secretary Christina Frasco sa high-level meeting ng mga tourism leaders sa Commission Meetings ng United Nations World Tourism Organization sa Phnom Penh, Cambodia. Ilan sa mga paksang tatalakayin sa mga dalawang araw na pagpupulong ay ang pag-protekta sa mga turista, at ang post-pandemic travel trends. Nais rin ng kalihim na… Continue reading Tourism Sec. Frasco, dadalo sa Commission Meetings ng UN World Tourism Organization sa Cambodia

Mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon, ililipat sa Muntinlupa City Hall sa darating na Linggo

Inanunsyo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na ibuburol ang labi ng namayapang dating Senador Rodolfo Biazon sa Muntinlupa City Hall sa Linggo, June 18. Sa kanyang Facebook Live, sinabi ng alkalde na marami ang humiling na makita ang labi ng kanyang ama sa huling pagkakataon at magkaroon ang mga Muntinlupeño ng pagkakataon na makapagpaalam.… Continue reading Mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon, ililipat sa Muntinlupa City Hall sa darating na Linggo

MMDA, planong maghain ng mosyon sa SC para bawiin ang TRO vs. No Contact Apprehension Policy

Makikipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Office of the Solicitor General para sa posibilidad na maghain ng mosyon laban sa inilabas na temporary restraining order para sa No Contact Apprehension Policy o NCAP. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, posibleng maghain sila ng mosyon sa Korte Suprema upang i-konsidera ang pagbawi… Continue reading MMDA, planong maghain ng mosyon sa SC para bawiin ang TRO vs. No Contact Apprehension Policy

57 na pamilya mula Ligao City sa Albay, nabigyang ng ayuda sa tulong ng DSWD at Office of the Speaker

Malaki ang pasasalamat ni Albay 3rd District Representative Fernando Cabredo sa pagtugon ng DSWD at ng tanggapan ng House Speaker sa apela nitong tulong para sa mga residente sa kaniyang distrito na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Nasa 57 na pamilyang lumikas mula Brgy. Baligang, Ligao City ang nabahagian ng tulong pinansyal sa ilalim… Continue reading 57 na pamilya mula Ligao City sa Albay, nabigyang ng ayuda sa tulong ng DSWD at Office of the Speaker

Senate inquiry tungkol sa planong pagpapatuloy ng Afghan refugees sa Pilipinas, ikakasa ngayong linggo

Magsasagawa ang Senate Committee on Foreign Relations ng pagdinig kaugnay ng sinasabing request ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas na pahintulutan ang pagpapapasok at pansamantalang paninirahan dito ng mga refugees mula sa Afghanistan. Gagawin ang pagdinig sa Biyernes ng hapon. Base sa notice na ibinaba ng Senate panel, nakasaad na dahil sa kahalagahan at… Continue reading Senate inquiry tungkol sa planong pagpapatuloy ng Afghan refugees sa Pilipinas, ikakasa ngayong linggo

Portuguese tech companies, nais mamuhunan sa Pilipinas

Ipinaabot ng mga kinatawan mula sa Portugal ang pagnanais ng mga hi-tech Portuguese firm na magtayo ng kanilang negosyo sa ating bansa. Sa naging courtesy call ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines, Maria Cardoso, kay House Speaker Martin Romualdez, ipinabatid nito na isang kompanya na may specialization sa biometrics at e-gates ang pumasok sa… Continue reading Portuguese tech companies, nais mamuhunan sa Pilipinas