3 CNT ang napatay at 15 high-powered firearms ang narekober matapos ang pinaigting na opensiba ng militar sa Agusan del Norte

Muling nagtagumpay ang pinagsamang elemento ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion nang makasagupa nila ang Communist Terrorist Groups (CTGs) kahapon sa hinterlands ng Mt. Apo-Apo, Sitio Dugayaman, Brgy. Anticala, sa lungsod ng Butuan. Ayun kay 1Lt Jade Bryce Buñe, Civil – Military Operation Officer ng 29IB na ang mga miyembro… Continue reading 3 CNT ang napatay at 15 high-powered firearms ang narekober matapos ang pinaigting na opensiba ng militar sa Agusan del Norte

Isang manlalangoy mula Jolo, Sulu, tagumpay sa kanyang layuning makapagbigay ng karangalan sa lalawigan at sa bansa

Isa na namang taga-Sulu ang nagbigay karangalan at inspirasyon sa kanyang mga kababayan sa katauhan ni Nor-Ayn “Ayunee”Tiam Wat Darkis, ito’y matapos na manalo sa apat na leg ng open water swimming competition na kanyang nilahukan sa unang pagkakataon na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon sa kwento ni Ayunee sa panayam sa… Continue reading Isang manlalangoy mula Jolo, Sulu, tagumpay sa kanyang layuning makapagbigay ng karangalan sa lalawigan at sa bansa

Ilang opisyal ng gobyerno, nakipagpulong sa ADB para sa implementasyon ng High Priority Bus System sa Davao City

Nakipagpulong sina Presidential Assistant for Eastern Mindanao Affairs Sec. Leo Tereso Magno at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa Asian Development Bank (ADB) nitong, Biyernes (Hunyo 16, 2023) para sa Davao Public Transport Modernization Project. Kasama sina National Economic and Development Authority 11 Regional Director Maria Lourdes Lim at ibang key officials ng Department of… Continue reading Ilang opisyal ng gobyerno, nakipagpulong sa ADB para sa implementasyon ng High Priority Bus System sa Davao City

Pamahalaang lokal ng Catanduanes, namahagi ng cash assistance sa mga estudyanteng benepisyaryo ng CEFAP

Namahagi ng cash assistance ang Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Catanduanes para sa mga benepisyaryo ng College Education Financial Assistance Program o (CEFAP). Ito’y kasunod ng pag-anunsiyo ng PLGU ng bagong set ng mga grantees ng programa para sa 2nd semester ngayong school year. Ang CEFAP ay may layuning makapagbigay ng asistensyang pinansyal sa… Continue reading Pamahalaang lokal ng Catanduanes, namahagi ng cash assistance sa mga estudyanteng benepisyaryo ng CEFAP

3 katao, huli sa anti-illegal gambling operation ng PNP Parang

Arestado kamakailan ang tatlong gambling personality sa operasyon kontra illegal gambling ng pulisya sa barangay Kannaway sa bayan ng Parang, Sulu. Ito ani PLt. Jerome Serrano, Officer-In-Charge ng Parang Municipal Police Station, bilang tugon sa sumbong ng isang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na iligal na aktibidad sa naturang lugar. Nadatnan nila aniyang nagsusugal ang… Continue reading 3 katao, huli sa anti-illegal gambling operation ng PNP Parang

Panukala laban sa pagpapakalat ng tsismis at iba pang uri ng pambubully sa opisina, inihain sa Kamara

Inihain ng mag-inang ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo at Quezon City Rep. Ralph Tulfo ang House Bill 8446 o panukala laban sa office bullying. Salig sa Anti-Bullying in the Workplace Act, ituturing na office bullying ang labis o paulit-ulit na paggamit ng empleyado o mga empleyado ng written verbal, o electronic expression o pisikal na… Continue reading Panukala laban sa pagpapakalat ng tsismis at iba pang uri ng pambubully sa opisina, inihain sa Kamara

Pagtanggal ng langis sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro, natapos na -PCG

Nakumpleto na ang oil recovery operations sa Naujan, Oriental Mindoro, matapos ang paglubog ng MT Princess Empress. Ito ang inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos magsagawa ng inspection kahapon. Batay sa ulat ng PCG, wala nang lamang langis ang walong tangke ng lumubog na oil tanker, maliban sa mga patak o tulo mula sa… Continue reading Pagtanggal ng langis sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro, natapos na -PCG

NHA at DENR, nagpulong na para sa paglilipat ng mga pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar

Seryoso ang National Housing Authority na ilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga mapanganib na lugar sa Metro Manila. Nagpulong na sina NHA General Manager Joeben Tai at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo- Loyzaga para sa agarang relokasyon ng mga apektadong pamilya. Prayoridad ng NHA na mailipat ang mga pamilyang… Continue reading NHA at DENR, nagpulong na para sa paglilipat ng mga pamilya na nakatira sa mga delikadong lugar

‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan, isinagawa sa lungsod

Dinagsa ang pagbubukas ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan sa lungsod ng Dagaupan, Pangasinan ngayong araw, ika-17 ng Hunyo, 2023 sa isang mall sa nasabing lungsod. Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez at Manlingkor ya Kalangweran ang nasabing Caravan kung saan makakabili ng iba’t ibang mura at sariwang mga produkto. Ayon sa… Continue reading ‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan, isinagawa sa lungsod

Empleyado ng LGU Hagonoy sa Davao Del Sur, timbog sa buy-bust operation ng PDEA 11

Timbog ang isang empleyado ng Local Government Unit ng Hagonoy, Davao del Sur kahapon sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 (PDEA 11) kasama ang Hagonoy Municipal Police Station. Kinilala ng PDEA 11 ang nahuling suspect na Elvin Dapin, 36 anyos at residente ng Barangay San Isidro sa bayan ng Hagonoy. Sa… Continue reading Empleyado ng LGU Hagonoy sa Davao Del Sur, timbog sa buy-bust operation ng PDEA 11