Tricycle driver sa Masbate, arestado matapos makuhanan ng higit P6.8 million halaga ng shabu

Arestado ang isang tricycle driver na hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operations ng iba’t ibang sangay ng PNP Masbate, at regional drug enforcement unit, mag-aalas-8:00 ng umaga kahapon sa bayan ng Cawayan sa Masbate. Kinilala ang suspek na si Edgar Adolfo, 43 anyos, may asawa, residente ng Purok 1,… Continue reading Tricycle driver sa Masbate, arestado matapos makuhanan ng higit P6.8 million halaga ng shabu

Panawagang ibalik sa June to March ang school calendar, lalo pang lumalakas

Panibagong panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan para ibalik sa dati ang school calendar. Pinangunahan ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang paghahain sa House Bill 8550 kung saan ibabalik sa June hanggang March ang school calendar. Sa ilalim ng panukala, ang School Year 2024-2025 ay magsisimula sa unang Lunes ng Hunyo. Ayon… Continue reading Panawagang ibalik sa June to March ang school calendar, lalo pang lumalakas

QC LGU, naglabas ng traffic advisory kaugnay ng gaganaping Pride PH Festival sa Sabado

Nag-abiso na ang Quezon City Government sa posibleng pagbigat sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod kaugnay ng gaganaping PRIDE PH festival sa darating na Sabado, June 24. Nasa tinatayang 50,000 na miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ ang inaasahan sa naturang pagtitipon, kaya’t posible ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsadang… Continue reading QC LGU, naglabas ng traffic advisory kaugnay ng gaganaping Pride PH Festival sa Sabado

Dept. of Tourism, nagbigay ng P200-K livelihood assistance sa community-based tourism organization at tour guides sa Iloilo City

Nagbigay ang Department of Tourism (DOT) ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P200,000 sa Nagpana Minorities Association (NAMIAS) ng Barangay Barotac Viejo, sa ginanap na formal turnover ceremony sa Iloilo City. Ayon sa pangulo ng grupo na si Rachel Mateo, nagpapasalamat ang Aeta Community sa oportunidad na kinilala ang kanilang istorya sa sektor ng turismo.… Continue reading Dept. of Tourism, nagbigay ng P200-K livelihood assistance sa community-based tourism organization at tour guides sa Iloilo City

DMW at Saudi Arabia, palalakasin ang kooperasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga OFW

Nakipagpulong sina Migrant Workers Secretary Susan Ople at iba pang opisyal ng Department of Migrant Workers o DMW sa delegasyon mula sa Kingdom of Saudi Arabia na Takamol Musaned Company. Ayon sa DMW, layon nitong mapaigting ang pakikipagtulungan sa paggamit ng teknolohiya para sa ease of doing business at mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa… Continue reading DMW at Saudi Arabia, palalakasin ang kooperasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga OFW

IPOPHL, inimbitahan ang multinational conglomerate na suportahan ang laban kontra peke at pirated na mga produkto

Inimbitahan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang Swedish multinational conglomerate na IKEA na samahan ang ibang brand owners na lumagda bilang pagsuporta sa Memorandum of Understanding na bubuo ng code of practice sa laban kontra peke at pirated goods sa internet. Pinasinayaan ng Digital Phililippines e-Commerce Division ang pulong kasama ang IPOPHL nang… Continue reading IPOPHL, inimbitahan ang multinational conglomerate na suportahan ang laban kontra peke at pirated na mga produkto

Mga baybaying dagat na nananatiling positibo sa red tide toxin, mangilan-ngilan na lang — BFAR

Limitado na lang sa apat na baybaying dagat sa Visayas at Mindanao ang apektado ng toxic red tide. Ito’y batay sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Ayon kay BFAR Director Demosthenes Escoto, ang mga baybaying dagat na nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison ay ang Dauis at Tagbilaran… Continue reading Mga baybaying dagat na nananatiling positibo sa red tide toxin, mangilan-ngilan na lang — BFAR

Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng tatlong istasyon ng MMDA Pasig River Ferry Service ngayong araw. Batay sa abiso na inilabas ng MMDA, ito ay dahil sa nasirang pontoon o bangka at low tide. Kabilang sa mga istasyon ng Pasig River Ferry Service na tigil ang operasyon ay ang Valenzuela, PUP, at Maybunga. Samantala, regular pa… Continue reading Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Dating Senador Rodolfo Biazon, naihimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Nailibing na ngayong tanghali ang mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon sa Libingan ng mga Bayani kung saan siya ay binigyan ng full military honors. Pagdating ng labi ng dating senador ay binigyan ito ng arrival honors kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya at binigyan ng 19-gun salute. Sinundan ito ng funeral march… Continue reading Dating Senador Rodolfo Biazon, naihimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52

Tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID- 19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa higit 200 na lang . Ayon sa OCTA Research, mula sa 89 average daily cases bumaba na ito sa 52 kaso batay sa huling tala sa lungsod. Nakitaan na rin ng pagbaba ng positivity rate sa 11.3% mula sa… Continue reading Daily average COVID-19 cases sa QC, bumaba na sa 52