Albay Rep. Salceda, hiniling ang patuloy na suporta ng nat’l gov’t sa pagtugon sa sitwasyon ng Mayon

Umapela si Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pamahalaan ng patuloy na suporta sa pagtugon sa epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Lalo na aniya at ngayon ay umabot na ng hanggang 2.5 kilometers ang lava flow ng bulkan na siyang maximum length nito. Aniya responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan na tiyaking ligtas… Continue reading Albay Rep. Salceda, hiniling ang patuloy na suporta ng nat’l gov’t sa pagtugon sa sitwasyon ng Mayon

Planong pag-eempleyo ng mga unlicensed Nursing graduate, dapat tiyakin alinsunod sa mga batas, iba pang panuntunan — Sen. Go

Hinikayat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) na pag-aralang mabuti ang planong bigyan ng temporary license ang mga Nursing graduate na hindi pa nakakapasa ng board. Ayon sa Senate Committee on Health chairperson, may mga umiiral na batas at mga panuntunan na sinusunod para mapanatili ang professional standards at maprotektahan ang… Continue reading Planong pag-eempleyo ng mga unlicensed Nursing graduate, dapat tiyakin alinsunod sa mga batas, iba pang panuntunan — Sen. Go

Antas ng tubig sa Angat Dam, di dapat ikabahala — PAGASA

Pinawi ng DOST-PAGASA ang pangamba ng publiko sa bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam. Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni PAGASA Acting Administrator Dr. Esperanza Cayanan na nananatiling manageable pa ang lebel ng tubig sa dam. Mas mataas pa rin aniya ito sa rule curve na pamantayan kung kakayanin pa ng dam na magsuplay… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, di dapat ikabahala — PAGASA

Lady guard na nagtapos sa University of Caloocan, inalok ng trabaho ni Mayor Along Malapitan

Sinorpresa ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang isa sa mga lady guard ng Caloocan City Hall nang alukin niya ito ng trabaho sa pamahalaang lungsod sa ginanap na graduation ceremony ng University of Caloocan City sa Mall of Asia Arena. Ang Lady Guard na si Melissa Calderon, ay kasama sa mga nagsipagtapos sa kursong B.S.… Continue reading Lady guard na nagtapos sa University of Caloocan, inalok ng trabaho ni Mayor Along Malapitan

Las Piñas City Health Office, nagkaloob ng libreng X-ray sa mga residente

Nagkaloob ng libreng X-ray service ang City Health Office ng Las Piñas sa Covered Court ng Santos Village III sa Barangay Zapote bilang bahagi ng kanilang inisyatiba na labanan ang tuberculosis. Ayon sa City Health Office, layunin nitong matukoy ang mga kaso ng pulmonary tuberculosis ng maaga upang matiyak ang napapanahong intervention at management, at… Continue reading Las Piñas City Health Office, nagkaloob ng libreng X-ray sa mga residente

32,000 litro ng inuming tubig kada araw mula sa BRP Andres Bonifacio, pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay

Ibinida ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) na kaya ng BRP Andres Bonifacio (PS17) na mag-suplay ng 32,000 litro ng inuming tubig mula sa kanyang desalination system, na sapat sa pangangailangan ng mahigit isang libong pamilya sa mga evacuation center. Ang BRP Andres Bonifacio na nasa operational control ng NAVFORSOL ay idineploy sa Albay matapos… Continue reading 32,000 litro ng inuming tubig kada araw mula sa BRP Andres Bonifacio, pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay