Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa kritikal na kondisyon ang abogado ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga salarin sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktima na sina Maria Rochelle Melendes, 53 taong gulang, at ang driver nito na si Deo Decenia, 42 taong gulang.

Tinamaan ng bala sa kanyang noo at braso si Melendes habang sa kaliwang balikat at kaliwang bahagi ng kanyang dibdib naman tinamaan ng bala si Decenia.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, 7:56 ng umaga kahapon nang lumabas ng bahay ang mga biktima lulan ang isang puting Toyota Hilux habang binabaybay ang Fortuna Street sa Barangay 21 patungong F.B. Harrison nang sila ay nilapitan ng dalawang hindi pa natutukoy na mga suspek at sila’y pinagbabaril.

Bago pa ang insidente, nagtapon ng ilang piraso ng papel na may nakasulat na “PARTISANO” (ARMADONG OPERATIBA NG PARTIDO MARXISTA-LENINISTA NG PILIPINAS) at umalis patungo sa direksyon ng F.B. Harrison.

Isinugod naman sa Adventist Hospital ang mga biktima upang ipagamot.

Nasa Intensive Care Unit at unstable pa ang lagay ni Melendes matapos tanggalin ang bala nito sa kanyang ulo habang stable na ang lagay ng kanyang driver na si Decenia.

Bumuo na ng tracker team ang Pasay City Police para paigtingin pa ang pagtugis sa mga salarin.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us