Apat na menor de edad na biktima ng online sexual abuse, nasagip sa lungsod ng Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasagip ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center at City Social Welfare and Development Office ang apat na menor de edad na biktima ng online sexual abuse sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong nakaraang linggo.

Sumailalim sa physical at medico-legal examination ang mga biktima at sinamahan ng social worker sa Camp Crame, kung saan sila ay dumaan rin sa counselling at psychosocial intervention.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang salarin na nakilala lamang ng mga biktima sa Facebook. Wala pang isang buwan ay tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga awtoridad na sagipin ang labindalawang menor de edad, kung saan labing-isa sa mga ito ay biktima ng human trafficking at online sexual abuse sa tatlong magkakahiwalay na operasyon noong Mayo.

Nangako si Taguig City Mayor Lani Cayetano na patuloy nilang poprotektahan ang mga bata na nararapat bigyan ng pagmamahal, respeto, at gabay mula sa mga nakakatanda.

Iginiit rin ng alkalde na ang mga ganitong klaseng gawain ay walang lugar sa lipunan. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: PNP WCPC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us