‘Arbitrary detention’ sa mga na-rescue sa POGO operation, nakaamba laban sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humihingi ng patas na imbestigasyon ang Xinchuang Network Technology sa Philippine National Police.

Ito ay makaraang magkasa ng rescue operation ang PNP Anti-Cybercrime Group at NCRPO nitong Lunes ng gabi sa Hong Tai compound, 501 Alabang Zapote Road, Almanza Uno Las Piñas City kung saan nasa mahigit 2,000 indibidwal na kinabibilangan ng mga Pilipino at banyaga ang niligtas mula sa umano’y illegal na POGO operation.

Sa isang liham sa PNP, sinabi ni Ananias Christian Vargas ng Vargas Law Office, mahigit 72 oras nang hawak ng mga awtoridad ang mga biktima at bigo naman ang mga ito na magsampa ng anumang kaso na malinaw na paglabag sa kanilang karapatan at maituturing na “arbitrary detention”.

Sinabi pa ni Atty. Vargas, pinapirmahan ang foreign nationals ng mga dokumento na walang assistance mula sa kanilang abugado.

Nakatanggap din aniya sila ng ulat na 8 foreign nationals ang umano’y inabuso at sinaktan ng mga awtoridad at 3 dito na pawang Chinese nationals ang nagtamo ng major injuries sa kanilang katawan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us