Nakapagtala ng phreatic burst ang Bulkang Taal kaninang tanghali.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagbuga ng usok na may kasamang abo ang bulkan na may taas na 820 talampakan kaninang alas-a12:54 hanggang alas-12:56 ng hapon.
Paliwanag ni Science Research Specialist Eric Arconado ng Taal Volcano Observatory, ang naitalang phreatic burst ay minor o maliit at contained lamang sa main crater lake ng bulkan.
Sa katunayan aniya kahit ang seismic at infrasonic sensor ng PHIVOLCS ay hindi ito nai-record.
Bagama’t nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, pinag-iingat ng Office of Civil Defense Calabarzon ang publiko at inabisuhan na maging alerto sa maaaring maging epekto ng naturang phreatic burst. | ulat ni Hazel Morada