Patuloy na bumababa ang mga insidente ng krimen sa probinsya ng Cavite.
Base sa tala ng Cavite Police Provincial Office, nasa 12.14% ang ibinaba ng Eight Focus Crimes mula April 23 hanggang June 20.
Kabilang na rito ang murder, homicide, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping.
Tumaas naman ang bilang ng mga nareresolba na kaso sa 65.06% mula sa 60.19% sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo.
Gayundin ang Crime Clearance efficiency ng probinsya na nasa 98.18% mula sa 92.54%.
Ayon kay Police Col. Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite PPO, ilan sa ipinatupad nilang istratehiya ay ang paghuli sa mga wanted person, pinaiigting na kampanya kontra iligal na droga at mga armas.
Nakatulong din aniya ang suporta ng mga lokal na pamahalaan para masugpo ang kriminalidad sa probinsya. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.