Crime solution efficiency ng PNP, umabot sa 92% sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng PNP na nakamit nila ang 92.58 porsyentong crime solution efficiency sa National Capital Region sa unang quarter ng taon.

Ito ang pinakamataas sa lahat ng rehiyon, kung saan pumangalawa ang Central Visayas na nakamit ang 92.51% crime solution efficiency habang 83.17% naman ang nakamit ng CALABARZON.

Base sa datos ng PNP, 92,774 krimen ang iniulat sa buong bansa sa unang quarter ng taon kung saan 81,185 ang nasolusyunan na katumbas ng National average na 87.51% crime solution efficiency.

Ito ay mas mataas ng isang porsyento sa 86.11% crime solution efficiency sa buong bansa sa nakalipas na taon.

Pinakamarami sa mga iniulat na insidente ng krimen sa unang bahagi ng taon ay non-index crimes, o paglabag sa mga espesyal na batas, na nasa 38,136 insidente.

Habang 8,671 insidente naman ang index crimes, o “offenses against persons and properties”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us