Foul play sa pulis na natagpuang patay sa Lanao del Sur, tinitingnan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong “foul play” sa kaso ng pulis na natagpuang patay sa Wao River sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Major Joan Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, lumalabas sa autopsiya na “asphyxia” o kawalan ng oxygen ang dahilan ng pagkasawi ni Patrolman Jeffrey Dabuco na nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion 10.

Paliwanag niya, posibleng patay na si Dabuco nang ilagay sa ilog.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Dabuco sa Lanao del Sur nitong June 26, matapos na huling makita sa Kalilangan, Bukidnon at ideklarang “missing” noong June 23.

Sa ngayon, naka-restrictive custody na ang siyam na pulis na huling nakasama ni Dabuco habang iniimbestigahan kung may kinalaman sila sa pagpatay kay Dabuco. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us