Higit 100 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mataas na bilang ng volcanic earthquakes na na-detect sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa pinakahuling report ng PHIVOLCS, mayroong kabuuang 102 volcanic earthquakes ang naitala ngayon sa bulkan, na malayo sa 24 na volcanic earthquakes kahapon.

Umakyat rin sa 263 na rockfall events ang na-monitor ng Mayon Volcano.

Bukod dito, aabot rin sa walong pyroclastic density events ang naitala o pag-agos ng iba’t ibang piraso ng volcanic materials na may nakahalong mainit na gas.

Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na umabot sa 1.3 kilometro ang haba sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully, habang 3.3 kilometro naman ang pagguho ng lava mula sa bulkan.

Nananatili namang mababa ang sulfur dioxide o asupreng ibinubuga ng bulkan.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us