Ilang bahagi ng Parañaque, Las Pinas, at Pasay City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Lungsod ng Paranaque, Las Pinas, at Pasay City na magsisimula mamayang alas-10 ng gabi dahil sa isasagawang maintenance activities ng kumpanyang Maynilad sa Pasay Pumping Station.

Mawawalan naman ng tubig ang mga sumusunod na lugar hanggang alas-8 ng umaga bukas: 
Las Pinas – BF International, CAA, D. Fajardo, E. Eldana, Ilaya, Manuyo Uno, Mayuno Dos.
Parañaque – Barangay Baclaran, Barangay Don Galo, Barangay La Huerta, Barangay Moonwalk, Barangay San Dionisio, Barangay Sto. Niño, Barangay Tambo, Barangay San Isidro, Barangay Vitalez
Pasay City – Barangay 10 – 12, 26, 28 – 31, 38 – 40, 76 – 78, 145 – 153, 156, 178, 179, 181, 184, 186 – 195, 197 – 200.

Mawawalan naman ng tubig ang mga sumusunod na lugar hanggang alas-6 ng gabi bukas:
Parañaque – Barangay BF Homes, Barangay San Isidro
Pasay City – Barangay 159, Barangay 161 – 163, 165 – 167, 169, 171 – 175.

Pinapayuhan ang lahat na apektadong konsumer ay mag-imbak ng sapat na tubig bago ang scheduled water interruption.

Para sa iba pang tanong o kaugnay na impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng Maynilad o di kaya ay tumawag sa numerong 1626.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us