Abot sa 120 alagaing baboy ang ipinamigay ng Department of Agriculture (DA) sa apat na kooperatiba sa Lipa City, Batangas.
Ginawa ito sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program ng DA.
Binigyan ng tig-30 breeder stocks ang Buklod ng Cumba Multi-Purpose Cooperative, L7 Livestock Agriculture Cooperative, Sto. Toribio Farmers Agriculture Cooperative, at Malitlit Consumers Cooperative.
Ayon kay DA-Bureau of Animal Industry Director Paul Limson, ang INSPIRE Program ay isa sa twin programs ng DA laban sa ASF.
Isa pa dito ay ang Bantay ASF sa Barangay (BABay ASF) Program para sa pinaigting na pagsubaybay at pagkontrol sa sakit sa antas ng barangay.| ulat ni Rey Ferrer