Puspusan ang ginagawang paglilinis ng Pamahalaang Lungsod ng Makati partikular na sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig sa kanilang lungsod.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang kampanya na labanan ang pagkalat ng sakit na dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Pinangunahan ng Makati Health Department, Department of Environmental Services, Department of Engineering and Public Works, City Veterinary Service Office at Public Safety Department ang nasabing clean-up drive.
Katuwang ng mga nabanggit na ahensya ang mga opisyal ng barangay partikular na sa Brgy. La Paz, kung saan isinagawa ang naturang clean up drive.
Magugunitang namahagi na rin ng mga anti-dengue kit ang Makati LGU sa mga mag-aaral sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na nagmula sa kagat ng lamok. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Makati LGU