Makati solon, pabor sa pag-recycle ng tubig ulan bilang patubig sa mga sakahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor si Makati Representative Luis Campos Jr. na gamitin ang maiipong tubig ulan sa Metro Manila bilang patubig sa mga sakahan sa kalapit probinsya.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na plano ng pamahalaan na kolektahin at i-impound ang tubig ulan bilang agricultural irrigation.

Ani Campos, malaking tulong ito lalo na at unti-unting bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Sa paraan aniyang ito, ang susuplayan na lang ng tubig ng Angat ay ang household needs ng mga taga Metro Manila.

“We are all for it. Assuming the government can establish new large stormwater reservoirs for farm irrigation, then all of Angat Dam’s water reserve may be freed up and devoted exclusively to supplying Metro Manila’s demand for potable water,” saad ni campos

Hanggang nitong June 25 ng umaga, pumalo sa 184 meters ang lebel ng tubig sa Angat malapit na sa 180 meter critical level mark nito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us