Itinutulak ng isang party-list solon na mabigyan ng sapat na mental health training ang mga pulis.
Ayon kay Anakalusugan Representative Ray Reyes, paraan ito upang matiyak na may sapat na kakayahan ang mga pulis para tumugon sa iba’t ibang sitwasyon at sa individuals in crisis.
“This will not only improve the safety of our communities but also prevent unnecessary harm to individuals who may be experiencing mental health issues. Being able to assess the situation effectively can help our uniformed personnel make informed decisions whatever situation they may be in, at any given time,” saad ni Reyes.
Makatutulong di aniya ito sa mental health mismo ng kapulisan dahil na rin sa bigat ng trabaho na kanilang ginagampanan.
“Alam naman natin ho na hindi biro ang trabaho ng ating mga pulis. Araw-araw, hindi nawawala ang banta sa inyong buhay at panganib. Kailangan rin po ay ingatan natin lagi ang mental well-being ng ating mga tagaligtas,” dagdag ng kinatawan.
Sa panig naman aniya ng lehislatura, ay kailangan ang patuloy na pagrepaso at update sa kasalukuyang mental health laws at tiyakin na mas accessible ito sa mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes
Mental health training para sa pambansang pulisya, isinusulong