Mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Cavite, nakatanggap ng cash assistance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabigyan ng tulong pinansyal ang mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa probinsya ng Cavite.

Nasa 4,000 AICS beneficiaries mula sa mga bayan at lungsod ng Trece Martires, Tagaytay, Rosario, at Carmona ang nakatanggap ng ₱3,000 na cash assistance.

Layunin nito na mabigyan ng tulong ang mga nasa marginalized sector na may kinakaharap na krisis gaya ng biglaang pagpanaw ng mahal sa buhay.

Pinangunahan ni Senador Imee Marcos ang pamamahagi ng cash assistance sa AICS beneficiaries.

Bukod sa ayudang pinansyal, umarangkada rin ang NutriBus kung saan nabigyan ng Nutribun at laruan ang mga bata. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

(Contributed photos)

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us