Muling sinisiyasat ngayon ng PNP ang mga dating operasyon na kinabilangan ng mga pulis na sangkot sa maanomalyang pagkarekober ng 990 kilo ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, layon ng review na madetermina kung nagkaroon din ng anomalya sa kanilang mga nakalipas na operasyon.
Matatandaang nabigyan pa ng award ang ibang mga pulis na sangkot sa 990 controversy, partikular na sa kanilang accomplishment sa drug operation sa Valenzuela noong 2022.
Kasama rito sina Police Lt. Col. Arnulfo Ibanez, Police Major Michael Salmingo, Police M/Sgt. Roman Jimenez at dismissed Police master sergeant Rodolfo Mayo Jr., na may-ari umano ng lending firm kung saan narekober ang 990 kilo ng shabu.
Kung mapatunayang may iregularidad ay mahaharap sa panibagong kaso ang mga naturang pulis, bukod sa pagbawi ng kanilang mga award. | ulat ni Leo Sarne