Batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nanatiling mapayapa sa pangkalahatan ang mga ikinasang aktibidad kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan.
Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng okasyon bagaman may ilang nagkasa ng kilos protesta ay hindi naman ito nagtagal.
May 8,930 pulis ang ipinakalat sa buong Kamaynilaan para magtiyak ng seguridad at kaligtasan ng publiko.
Kaninang umaga, nagsagawa rin ng programa ang NCRPO sa kanilang punong tanggapan sa Kampo Bagong Diwa sa Taguig City.
Doon, ipinaalala ni NCRPO Director Police Major General Edgar Alan Okubo sa mga tauhan nito na maging halimbawa sa lahat ng tamang disiplina, at laging sariwain ang diwa ng pagkakaisa. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: NCRPO