Mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Maimbung, pinayuhan ng PNP na ‘wag munang bumalik

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng Philippine National Police ang mga residente ng Brgy. Bualo Lipid, Maimbung Sulu na nagsilikas dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan at armadong grupo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan, na huwag munang bumalik sa lugar.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, ito’y dahil sa posibilidad na magkaroon pa ng mga enkwentro sa patuloy na pagtugis ng PNP at AFP kay Mudjasan.

Sinabi ni Maranan na itinuturing na “fully armed and very dangerous” si Mudjasan at kanyang grupo.

Dahil dito, nasa pinakamataas na alerto na sa ngayon ang Police Regional Office (PRO) Bangsamoro Autonomous Region at hinigpitan na ang seguridad sa rehiyon upang hindi makalabas ng Sulu si Mudjasan.

Nagsimula ang tensyon sa Maimbung nitong Sabado ng umaga nang paulanan ng bala ng grupo ni Mudjasan ang mga pulis at sundalo na nagtangkang magsilbi ng 5 arrest warrants at dalawang search warrant kay Mudjasan.

Dito’y nasawi ang isang pulis at isa umanong tauhan ni Mudjasan, habang sugatan naman ang 13 pulis at isang sundalo.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us