Patuloy pa ring ilulunsad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga programa at polisya para sa pagsasaayos ng National Capital Region.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romanti Artes na isa sa kanilng nais paigtinging programa ay ang pagpapalakas ng Disaster Preparedness Training center, Motorcycle Riding Academy paglalagay ng body cameras sa lahat ng MMDAconstable at ang pagsasaayos ng Edsa Elevated Walkway upang mas magkaroon ng maayos na lakaran ang publiko.
Dagdag pa ni Artes, nais din nilang isakatuparan ang matapos ang Metro Manila Drainage Master Plan at ang kanilang pinaplanong Waste to Energy Facility plan.
Saad pa ni Artes, ‘pag naisaktuparan ang mga naturang programa at polisya ay magkakaroon na mas maayos at mas magandang Metro Manila. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio