Inanunsyo ng bansang New Zealand na magbibigay ito ng ₱103 milyong grant sa pamamagitan ng partnership nito sa UNICEF Philippines upang palakasin pa ang COVID-19 response nito sa CARAGA Region.
Layon ng proyektong ito na palakasin pa ang health outcomes nito sa vulnerable communities na nakatira sa mga baybayin ng CARAGA Region, sa pamamagitan ng pagpapalaki ng climate resilient at sustainable water infrastructure, pati rin ang pagbibigay ng nutrition service delivery.
Nasa 89,051 na mga benepisyaryo na kinabibilangan ng mga lalaki at babae, pati na rin ng mga bata ang makikinabang sa climate resilient water, sanitation, and hygiene services na makakatulong upang tugunan ang kakulangan ng palikuran sa mga komunidad.
Habang 70,000 batang lalaki at babae mula sa poor households at indigenous communities naman ang makikinabang sa nutrition services upang tugunan ang malnutrisyon.
Ayon kay New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell, mananatiling nakatuon ang New Zealand at UNICEF Philippines upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng vulnerable communities sa CARAGA Region. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📷: UNICEF Philippines