Pagsabog, naganap sa Korean Restaurant sa Xentro Mall sa Calapan, Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa Mr. Won’s Samgyeopsal Korean restaurant sa Xentro Mall Brgy. Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong 10:20 ng umaga.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) MiIMAROPA na nakarating sa Camp Crame, nagresulta ang pagsabog sa hindi pa madeterminang bilang ng mga nasaktan, at pagkapinsala ng ari-arian.

Nasa lugar na ang responders para tulungan ang mga biktima na kinabibilangan ng mga empleyado ng naturang kainan.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng lokal na pulisya sa insidente na base sa inisyal na ulat ay dahil umano sa isang “gas leak”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us