Kinondena ni Senadora Grace Poe ang insidente ng pagpatay sa isa pang kawani ng media sa Mindoro Oriental na si Cresenciano Bunduquin.
Ang singkwenta’y anyos na broadcaster ng DWXR Kalahi Radio at MUX Online ay pinagbabaril sa Barangay Isabel, Calapan City.
Ayon kay Poe, ang pagpaslang sa bawat mamamahayag ay kabawasan sa mga naghahanap ng katototohanan at nagbibigay ng impormasyon at boses sa komunidad.
Umaasa ang senadora na gagawin ng mga otoridad ang lahat para mabigyan ng hustisya ang biktima.
Pinanawagan ng mambabatas na dapat tuldukan ang impunity laban sa mga mamamahayag para matiyak na mapangangalagaan ang freedom of expression at masiguro ang access sa impormasyon ng taumbayan.| ulat ni Nimfa Asuncion