Pangulong Marcos, binati ang South Cotabato Consolidated Rice Productiona nd Mechanization Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang programa ng pamahalaang lokal ng South Cotabato para sa pagpapalakas ng produksyon ng rice supply sa lalawigan at maging pag-improve ng buhay ng mga rices farmers nito.

Sa talumpati ng Pangulo sa launching ng South Cotabato Consolidated Rice Production and Mechanization Program nitong Miyerkules (Hunyo 14, 2023), sinabi nito na maganda ang nasabing programa  para sa mag episyenteng produksyon ng palay sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Pangulong Marcos na sa pagsama-sama ng mararaming magsasaka at lupain nito sa pagtatanim ng palay, magagamit nito ang mga ekipo kung mas mapapadali nito ang pagtatanim at pag-ani.

Dahil dito, masisimulan ng probinsya ang mithiin ng pamahalaan na maging food-sufficient ang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng supply ng bigas.

Kung dadami ang supply ng bigas, magiging abot-kaya na ang presyo nito ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino.

Bukod sa mga nabanggit, inaasahan din sa nasabing programa na aangat ang buhay ng mga rice farmers sa lalawigan.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us