Patas na imbestigasyon sa ni-raid na POGO sa Las Piñas, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan na magiging patas ang imbestigasyon sa mga Pilipino at dayuhang manggagawa na “nasagip” ng PNP Anti-Cybercrime group (ACG) at NCRPO mula sa isang POGO operation sa Las Piñas noong Lunes ng gabi.

Ito’y matapos na magpadala ng demand letter ang abogado ng Xinchuang Network Technology sa PNP na nagsasaad na mahigit 72 oras nang hawak ng mga awtoridad ang mga biktima at bigo naman ang mga ito na magsampa ng anumang kaso na malinaw na paglabag sa kanilang karapatan at maituturing na “arbitrary detention”.

Paliwanag ni BGen. Maranan, mahigit 2,000 ang mga manggagawa na kailangang I-proseso kaya medyo nagtagal ito, pero palalayain din nila ang mga nasagip matapos ang profiling.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Maranan na nalabag ang karapatang pantao ng kanilang mga nasagip, at pinakain pa nga aniya ang mga ito.

Wala rin umanong sinasaktan sa mga nasagip, kontra sa sinabi ng Xinchuang Network Technology sa kanilang liham sa PNP, na 8 foreign nationals ang inabuso at sinaktan ng mga awtoridad at 3 dito na pawang Chinese nationals ang nagtamo ng major injuries sa kanilang katawan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us