PNP, nagpatupad ng balasahan sa kanilang hanay; bagong NCRPO Chief, pinangalanan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad ng rigudon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa 8 nilang opisyal epektibo ngayong araw, Hunyo 26.

Kabilang sa mga napabilang sa balasahan sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Edgar Alan Okubo na ililipat sa Directorate for Police Community Relations (DPCR).

Papalitan si Okubo ni P/BGen. Jose Melencio Nartatez na nagmula naman sa Directorate for Intelligence (DI), ang posisyong unang binakante ng ngayo’y PNP Chief, P/Gen. Bejamin Acorda Jr.

Papalit kay Nartatez sa Directorate for Intelligence o DI si P/MGen. Jon Arnaldo na nagmula sa Directorate for Human Resouce and Doctrine Development (DHRDD).

Ang Deputy Director ng Directorate for Intelligence na si P/BGen. Ronald Lee ay siyang papalit naman kay Arnaldo sa DHRDD.

Habang magpapalitan naman ng posisyon sina P/MGen. Eric Noble na Director ng Philippine National Police Academy (PNPA) at P/BGen. Samuel Nacion na siyang pinuno ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Ang papalitan naman ni Okubo na si P/MGen. Mario Reyes sa DPCR ay ililipat naman sa Directoriate for Logistics (DL).

Habang si P/BGen. Alan Nazarro ng Directorate for Informations and Communications Technology Management (DICTM) ay ililipat bilang bagong pinuno ng PNP Highway Patrol Group (HPG).| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us