PNP, pinuri ni DILG Sec. Abalos dahil sa conviction ng tatlong middlemen sa Percy Lapid case

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police dahil sa ginawang pagsisikap nito para mahatulan ang tatlong middlemen sa Percy Lapid murder case.

Sinabi ni Abalos, sa simula pa lang, sinikap na ng pulisya na malutas ang kaso sa pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Department of Justice.

Pinasalamatan din ng kalihim si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at ang NBI.

Noong Biyernes, hinatulang makulong ng dalawa hanggang walong taon ng Las Piñas City Regional Trial Court sina Aldrin Galicia, Alvin Labra at Alfie Peñaredonda.

Sila ay mga lider ng Sputnik, Batang City Jail at Happy Go Lucky gangs sa New Bilibid Prison.

Inamin ng gang leaders na guilty sila bilang accessory sa pagpatay kay Percival Mabasa noong Oktubre 2022. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us